Great Wall, RO Niu Jr. impresibong panalo
MANILA, Philippines – Gumawa ng impresibong panalo ang tambalang Great Wall at jockey RO Niu Jr. sa huling karerang naganap sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa bayan ng Carmona, Cavite (Condition Race 16) bilang super mega outstanding favorite sa bentahan.
Sa Last 500 meters ay nagtagisan ng bilis at tulin ang banderang Great Wall at Highway Hills hanggang sa sumapit ang rektahan pero paglagpas ng last 200 meters ay tuluyan nang iniwan ng Great Wall at ni Niu ang mga kalaban para manalo ng may limang katawang agwat laban sa nasegundong Highway Hills.
Nagbigay ang forecast ng dibidendong P12.50 sa kada-limang pisong taya para sa nanalong kumbinasyon nito na 5-10 habang halagang P8.80 sa kada isang ticket ang ibinigay na dibidendo para naman sa nanalong kumbinasyon na 5-10-4 para sa exotic betting na Trifecta.
Halagang P1,135 naman ang tinamaan ng maswerteng karerista na tumaya at nakakuha ng nanalong kumbinasyon na 5-5-7-1-5-4-5 para sa Winner Take All.
Halos isang taon itong nabakasyon dahil ang hu-ling tinakbuhang karera nito ay noon pang Agosto 26, 2018 (Philippine Racing Commission Cup) kung saan tinalo nito ang kabayong Metamorphosis, Anino, Sky hook, Pinagtipunan, Hot and Spicy, Icon, Messi at Money talks.
Tinalo din nito ang Sepfourteen sa naganap na karera noong July 15, 2018 ng may mahigit sa tatlong kabayong agwat pagtawid sa meta.
- Latest