^

PM Sports

Lalarga na ang labanan ng 4-teams sa PBA Legends Face-off ngayon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisiklab na ngayon ang inaaba-ngang PBA Legends Face-off sa pagitan ng apat na makasaysayang koponan sa Pasig Sports Center.

Unang sasalang ang San Miguel at Purefoods sa alas-12 ng tanghali na susundan naman ng banggaan ng Barangay Ginebra at Alaska sa 1:30 ng hapon.

Inorganisa ng PBA Legends Foundation katuwang ang UNTV,  tatagal ng isang buwan ang naturang torneo na magtatapos sa championship  sa Hulyo 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Maglalaban-laban ang apat na koponan sa single round robin elimination para sa semifinal seeding kung saan maglalaglagan sila para sa kampeonato.

Mangunguna para sa winningest PBA team na Beermen sina Allan Caidic, Ato Agustin, Danny Ildenfonso at Olsen Racela.

Haharang naman sa kanila ang mga pambato ng Purefoods na sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Bong Ravena, Dindo Pumaren at Roger Yap.

Sa ikalawang laro, bibida naman para sa Gin Kings sina Marlou Aquino, Rudy Distrito, Pido Jarencio, Bal David, Vince Hizon at Jayjay Helterbrand kontra kina Jeffrey Cariaso, Jojo Lastimosa, Kenneth Duremdes, Willie Miller at Johnny Abarrientos ng Aces.

 Layon ng PBA Legends Foundation at ng UNTV  na patuloy na makalikom ng pondo para sa mga retirado at maysakit na dating PBA players.

Ito na ang ikaapat na charity event ng dalawang magkatuwang na orga-nisasyon simula nang magdaos sila ng unang basketball event para kay Samboy Lim noong 2015 at isang charity golf tourney para naman kay Joey Mente noong nakaraang taon.

Nitong Pebrero lang, ginanap ng PBA Legends Foundation at ng UNTV ang pinakamalaki nitong event na ‘Return of the Rivals’ sa pagitan ng Ginebra at Purefoods gayundin ng San Miguel at Alaska.

Umapaw ang mga fans sa natu-rang event na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at nagresulta sa pag-likom nila ng pondo na umabot sa P3 milyon.  

vuukle comment

PBA LEGENDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with