^

PM Sports

Go For Gold nakahirit pa

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakahirit ng do-or-die Game 2 ang Go For Gold -- CSB matapos silatin ang Centro Escolar University, 84-81  kahapon sa umaatikabong 2019 PBA Developmental League quarterfinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bumida para sa Scratchers si Gab Banal na kumonekta ng pampanalong tres sa huling 17.5 segundo habang napigilan ni Jimboy Pasturan sa sumunod na possession si Keanu Caballero upang maselyuhan ang dikit na  tagumpay.

May twice-to-win disadvantage bilang third seed ng Aspirants Group kontra second-ranked CEU ng Foundation Group, binalewala ito ng Go For Gold upang makapuwersa ng sudden-death Game 2 kung saan may tsansa silang makaabante sa semi-finals.

“I’m happy that we’re still alive,” ani head coach Charles Tiu matapos mun­tikang masayang ng Scratchers ang malaking 20 puntos na kalamangan nito.

“We probably deserve to lose that game. We were up big and seems like we never learn. The maturity is still isn’t there.”

Umiskor si Banal ng 12 puntos, anim na assists at limang rebounds para sa Go For Gold na siyang kampeon ng Foundation Cup noong nakaraang taon.

Sumuporta naman sa kanya ang Filipino-American sensation na si Roosevelt Adams na may 26 puntos at 13 rebounds.

Solido rin ang ambag ni Santi Santillan na kumolekta ng 15 puntos at anim na boards habang may kumpletong 13 puntos, walong rebounds at limang dimes din ang young gunner na si Justin Gutang para sa balanseng atake ng Go For Gold.

Kinulang naman ang 22 puntos -- 10 sa fourth quarter -- ni Judel Fuentes para sa Scorpions na bigong makapasok agad sa semi-finals hawak ang twice-to-beat advantage.

Nauwi rin sa wala ang halimaw na 14 puntos, 17 rebounds, anim na assists, apat na steals at tatlong supalpal ni Senegalese center Maodo Malick Diouf para sa CEU ni head coach Derrick Pumaren.

Makakaharap ng Go For Gold o CEU ang mananalo sa isa pang pairing sa pagitan ng Aspirants’ Group second seed na St. Clare College -- Virtual Reality at Foundation Group third seed na Metropac-San Beda na kasalukuyan pang nagla­laro habang isinusulat ang balitang ito. JBUlanday

PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with