^

PM Sports

PBA Legends Face-Off bubuksan sa June 2

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbabalik-aksiyon ang mga le-gends ng Philippine Basketball Association (PBA) sa gaganaping month-long tournament na inorganisa ng UNTV si-mula Hunyo 2 sa Pasig City Sports Center.

Babansagang UNTV Cup PBA Legends Face-Off ang naturang torneo na lalahukan ng apat na makasaysayang prangkisa na San Miguel, Alaska, Purefoods at Ginebra kung saan ang malilikom na pondo ay mapupunta sa PBA Legends Foundation.

Ito na ang ikaapat na charity event ng UNTV katuwang ang PBA Legends Foundation buhat nang simulan ito para matulungan ang SMB legend na si Samboy Lim noong 2015.

Noong 2017, naglaan ang public service advocate at UNTV Cup Founder na si Daniel Razon ng P1 milyon na seed money para sa PBA Legends Foundation na may misyong matulungan ang mga retirado na at maysakit na PBA players.

Nasundan ulit ang charity event ng UNTV at PBA Legends Foundation sa pagdaraos ng PBA Legends Charity Gold Tournament para sa dating mga manlalaro na sina Joey Mente at Johnny Revilla.

Nitong Pebrero lang ay itinanghal nga ang pinakamalaking event na ‘The Return of the Rivals’ sa Smart Araneta Coliseum kung saan naglaban ang magkaribal na Purefoods at Ginebra gayundin ang San Miguel at Alaska.

Katulad ng PBA Legends ‘Return of the Rivals’ na nakalikom ng P3 milyon na napunta din sa PBA Legends Foundation, parehong mga manlalaro ang bibida sa Face-Off tourney sa pangu-nguna nina Allan Caidic, Ato Agustin, Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso at Olsen Racela ng Beermen.

Gigiyahan naman nina Johnny Abarrientos, Willie Miller,  Kenneth Duremdes, Bong Hawkins, Jeffrey Cariaso at Jojo Lastimosa ang Alaska, sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Bong Ravena, Dindo Pumaren at Roger Yap sa Purefoods habang sina Jayjay Helterbrand, Bal David, Pido Jarencio, Vince Hizon, Marlou Aquino at Rudy Distrito sa Ginebra. (JBU)

vuukle comment

PBA LEGENDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with