^

PM Sports

Paborito ang Real Gold, Obra Maestra sa 1st leg ng Philracom Triple Crown

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang premyong P3 milyon ang paglalaba­nan ng walong kaba­yo sa unang yugto ng Triple Crown ng Philippine Racing Commission’s Triple ngayon sa San La­zaro Leisure Park, Car­mona, Cavite.

Paborito sa nasabing laba­nan ang Real Gold na pagma­may-ari ng C&H Enterprises at ang Obra Maestra ni Leo­nar­­do Javier, Jr.

Palaban din ang mga Boss Emong (jockey JT Zarate, owner Edward Vincent M. Diokno); JAYZ (Ja Guce, SC Stockfarm, Inc.); My Jo­pay (RD Raquel Jr., Moi­ses B. Villaseñor); My Shelltex (JB Her­nan­­dez, Antonio V. Tan, Jr.); Toy for the Bigboy (JB Cordova, Alfredo San­­tos) at Westeros (AR Villegas, Juan Miguel D. Yulo).

Tatanggap ng P1.8 mil­­yon ang mananalo sa na­turang karera, saman­ta­lang P675,000 ang ibibigay sa ikalawang pu­­westo.

Ang ikatlo at ikaapat na pupuwesto ay may P375,000, at P150,000, ayon sa pagkakasunod, habang P100,000 ay na­­kalaan sa breeder ng ma­­na­nalong kabayo.

“We are very excited with the coming 1st leg of the Triple Crown be­cause of the caliber of the local horses parti­ci­­pating in this year’s event with the eventual winner setting the pace for 2019. The horse that wins will not only earn it’s place in history, but will set the bar for the succeeding legs in the fol­lowing months,” ani Andrew Sanchez, Philracom chairman. “We wish all the runners the best of luck!”

Nakatakda ding itak­bo ang unang yugto ng Philracom Hopeful Stakes Race kung saan 12 matitikas na lokal na kabayo ang magsa­sa­­gupa katulad ng Best Regards, Dugong Bughaw, Gepnits, Gil’s Ma­gic, Harapin ang Bukas, Kentucky Rain, Mood Swing, Phenomenal, Shanghai Noon, The Ac­countant, Two Timer at Turns Gold.

Ang magwawagi sa distansyang 1,600 metro ay tatanggap ng P1 mil­yon.

Bago ito ay naka­han­da na rin ang unang leg ng Locally Bred Stakes Race kung saan maghaharap ang coupled runners na Always Ready and Sure Win, Claudia’s Pride, Coup d’ Etat, Elec­trify, Iikot Lang, Mo­na’s Mark, Oktubre Ka­torse, Ready Set Go, Serafina, Silab, Sulta­nov, Trust Worthy at Wea­ther Lang.

Ang suma total na premyo ay P500,000 sa karera na may distans­yang 1,600 metro.

Ang huling kaba­yong nagwagi ng Triple Crown ay ang Sepfourteen ng SC Stockfarm no­ong 2017 at ang Kid Molave ni Emmanuel San­­tos noong 20­14.

PHILRACOM TRIPLE CROWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with