^

PM Sports

Rondina-Pons nagparamdam

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagparamdam ng lakas sina Philippine Superliga champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons matapos ilampaso sina Shinako Tanaka at Miyuki Matsumura ng Japan, 21-14, 21-8 para umabante sa Round of 12 ng FIVB Beach Volleyball World Tour Boracay Open kahapon sa White House Beach Station 1 sa Boracay.

Galing sa UAAP indoor volleyball runner-up finish si Rondina kasama ang University of Santo Tomas. Ngunit mabilis itong nakapag-adjust sa sand court kasama ang dati nang katropang si Pons para impresibong makuha ang unang panalo.

“Actually two days lang yung training ko. But, before entering the training, naka-mindset na ako na babalik ako sa outdoors. “Siguro, it’s muscle memory and then I watched sa YouTube, yung mga previous games namin (ni Pons), kung paano kami gumalaw. Ayun, it’s all about mindsetting,” ani Rondina.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakaharap ni Rondina ang 43-anyos na si Tanaka.

Magugunitang sina Tanaka at Fujii Sakurako ang tumalo kina Rondina at Dzi Gervacio sa quarterfinals ng 2018 Beach World Tour Manila Open.

Kaya naman matamis na tagumpay ito para kina Rondina para sa karapatang umusad sa quarterfinals. Bigo naman ang iba pang Pinay spikers.

vuukle comment

RONDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with