^

PM Sports

Bagong 24sec. shot clock rule ipapatupad ng PBA

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — May ipapatupad na bagong batas ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa 2019 Commissioner’s Cup.

Ito ay hinggil sa 24 second shot clock violation na naaprubahan na ni Commissioner Willie Marcial sa isang memorandum at napadala na sa lahat ng 12 koponan na epektibo na agad sa mid-season conference na sumiklab kagabi sa Mall of Asia Arena.

Ayon sa naturang memo, maaari nang magsagawa ng video review ang PBA sa kada 24 second shot clock violation upang malaman kung counted nga ba o hindi ang tira ng isang manlalaro.

Sa lumang batas kasi ng PBA ay tuwing last two minutes lamang pwedeng irebyu ng liga ang anumang posibleng violation ng 24 second shot clock rule.

Ginawa ito ng PBA matapos ang kontrobersyal na three points ni Rome Dela Rosa ng Magnolia sa 63-60 Game 7 win nila kontra sa Rain or Shine sa 2019 PBA Philippine Cup semi-finals.

Nakapasok si Dela Rosa ng tres sa 3:30 marka ng fourth quarter kasabay ng pagtunog ng shot clock buzzer. Ayon sa video replay matapos ang laro ay hindi dapat counted ang tira ni Dela Rosa dahil pumula na ang shot clock habang nasa kamay niya pa ang bola.

Subalit dahil wala pa sa last two minutes, hindi nagawang marebyu ng mga opisyal ang naturang tira na ininda ng ROS tungo sa kabiguan.

Dahil dito ay nasuspinde ng PBA sina referee Sherwin Pineda at table official Carlos Santos.

Upang maiwasan ito, irerebyu na ng PBA ang lahat ng tirang sumabay sa shot clock buzzer upang masiguro kung counted o hindi ba ang naturang tira.

Gagawin ito ng PBA pagkatapos ng kada quarter. Sa fourth quarter naman, magkakaroon ng rebyu kada time-out o free throws upang masiguro ang hindi na pagkakaulit ng krusyal na non-call sa Game 7 ng PBA Semis. 

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with