^

PM Sports

Skippers binuhay ang tsansa sa playoffs

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Skippers binuhay ang tsansa sa playoffs
Naiwasan ni Mike Ayon-ayon ng Marinero ang supalpal ni Rey Peralta ng Perpetual.

MANILA, Philippines — Buhay pa ang pag-asa ng Marinerong Pilipino na makasabit sa playoffs matapos ilubog ang Perpetual, 90-76, sa 2019 PBA-De­velopmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig Ci­ty kahapon.

Nagtulong sina Gab Banal at Santi Santillan sa krusyal na panalo ng Skippers sa likod ng kanilang double-double outings.

Nagtala ng 21 points at 12 rebounds si Santillan, habang may 27 mar­kers, 12 boards at 6 assists si Banal.

Bunsod nito ay naka­habol ang Marinero mu­la sa maagang 20-32 pag­kakabaon para ma­ka­pagtayo ng malaking 50-36 abante papasok sa halftime.

Hindi na lumingon ang Skippers patungo sa mahalagang panalo na nagpa­lakas sa kanilang tangkang makasabit sa top four ng Foundation Group.

Umangat sa 5-4 ang ba­raha ng Marinero para malagpasan ang FEU para sa huli at ikaapat na puwesto sa Foundation Group.

Kinakailangan ng Skippers na humiling ng kabiguan ng FEU kontra sa top seed na CEU sa susunod na linggo upang masiguro ang naturang puwesto.

“Masaya kami, espe­cially sa huling dalawang laro namin. Like ‘yung sinasabi ng ma­nagement, maipanalo lang namin ‘yung natitira naming mga laro, at masaya naman ako na nakuha namin,” ani coach Yong Garcia.

Samantala, kumubra naman si Edgar Charcos ng 19 points, 5 assists, 4 rebounds at 2 steals para sa Altas na matagal nang natanggal sa kontensyon ng 20-team D-League tournament.

Nagdagdag si Jielo Razon ng 15 points, 6 boards at 6 assists para sa Perpetual.

Samantala, ang pana­lo ng Ma­rinero ang opis­yal nang sumibak sa Diliman College-Gerry’s Grill mula sa kontensyon sa Foundation Group.

2019 PBA-DE­VELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with