^

PM Sports

Matinding reinforcement ipaparada ng TNT Katropa

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bigating reinforcement ang kinuha ng TNT Katropa para sa paparating na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay walang iba kundi ang dating NBA player na si Terrence Jones na kinumpirma ni Tropang Texters head coach Bong Ravena.

Dumating na kahapon ang 27-anyos na si Jones na naglaro sa mga NBA teams na Houston Rockets, Milwaukee Bucks at New Orleans Pelicans.

Mabigat ang resume ni Jones kaya’t inaasahang malaki ang maitutulong niya para sa TNT Katropa na hangad makapasok ulit sa PBA Finals ng mid-season conference.

Matapos magkampeon sa US NCAA noong 2012 bilang miyembro ng Kentucky Wildcast ay napili si Jones bilang 18th overall pick ng Rockets noong 2012 NBA Draft.

Naglaro siya sa Rockets sa loob ng apat na taon, pinakamasiklab rito ang 2013-2014 NBA season cam­paign niya kung saan nagrehistro siya ng 12.1 points, 6.9 rebounds at 1.3 blocks.

Naglaro rin siya sa NBA G-League teams na Sta. Cruz Warriors, Rio Grande Valley Vipers at Erie Bayhawks bago bumalik ngayong taon sa Rockets para sa dalawang 10-day contracts subalit nabigong manatili sa roster papasok sa NBA playoffs.

Isa lamang ang 6-foot-9 na si Jones sa mga baguhang PBA imports ngayon kasama sina Kyle Barone ng Columbian Dyip, Gani Lawal ng Meralco, Prince Ibeh ng NorthPort at Chris Daniels ng Alaska.

Balik-imports sina Charles Rhodes ng San Miguel, Justin Brownlee ng Ginebra, Rob Dozier ng Phoenix, Alex Ste­pheson ng Blackater at Tony Mitchell ng NLEX.

REINFORCEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with