^

PM Sports

Petron at Go For Gold asam ang playoffs

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng parehong Petron-Letran at Go For Gold-College of St. Benilde na kapwa mapalakas ang kanilang tsansa sa playoffs papasok sa krusyal na bahagi ng 2019 PBA Developmental League na magpapatuloy ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magaganap ang sagupaan sa alas-2 ng hapon kung saan sasakay ang dalawang koponan sa parehong two-game winning streak.

Nasa tersera puwesto ngayon ng Aspirant’s Group, hindi papatinag ang Knights lalo’t apat na koponan lang ang aabante sa crossover quarterfinals kontra sa top four naman ng Foundation Group.

“Baka mabigyan tayo ng chance na makaabante sa next round, so every game, we have to prepare and execute,” ani coach Bonnie Tan sa kanyang mga bataan na may 5-2 kartada.

Sasandal ang Petron-Letran sa dikit na 91-90 panalo kontra sa St. Clare College-Virtual Reality noong nakaraang linggo kung saan namuno sa kanila sina Alvin Pasaol at Jerrick Balanza.

Sa kabilang banda, naipagpag naman ng Go For Gold ang masamang 1-3 simula nito lalo’t may dalawang sunod na panalo na sila ngayon para sa disenteng 3-3 baraha katabla ang Che’Lu sa ikalimang puwesto.

“I like how we’re battling and staying composed,” ani naman ni head coach Charles Tiu.

Umaasa si Tiu na madurugtungan nila ang 101-92 panalo sa Che’Lu noon pang Abril 15 kung saan nagpasiklab naman ang Fil-Am sensation na si Roosevelt Adams gayundin ang top gunner na si Justin Gutang.

Sa iba pang laro, tangka rin ng St. Clare (4-2) na mapanatiling buhay ang pag-asa nito sa playoffs sa pagsabak sa tanggal na sa kontensyong McDavid (1-6).

Krusyal din ang sagupaan ng Marinerong Pilipino (3-3) at ng Diliman College- Gerry’s Grill (3-3) sa alas-4 ng hapon.

2019 PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with