^

PM Sports

UST Tigresses habol ang twice-to-beat

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Susubukan ng third front-running University of Santo Tomas Tigresses na panatilihing buhay ang pag-asa sa twice-to-beat advantage sa pagharap sa National University Lady Bulldogs ngayon sa pe-nultimate day ng Season 81 UAAP Volleyball Tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Tigresses at Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon na susundan ng laro ng University of the Philippines Lady Maroons at Adamson Lady Falcons sa alas-4 ng hapon.

Kahit magwagi ang Tigresses sa Lady Bulldogs, wala na rin sa kanilang kamay ang natitirang pag-asa dahil kailangan pa ring matalo ang three-peat champion na DLSU sa FEU Lady Tamaraws bukas para makatabla sa Lady Spikers sa parehong 10-4 slate pagkatapos ng elims.

Kung magtabla man ang UST at DLSU sa parehong kartada, maghaharap sila sa isang playoff upang pag-agawan ang huling semis bonus.

Sa huli nilang pagtatagpo, inilampaso ng Tigresses ang Lady Bulldogs, 26-24, 25-17, 23-25, 25-17 sa first round noong Marso 9 kaya paborito ang tropa ni coach Kungfu Reyes na muling magwagi at maghihintay na lang sa kanilang kapalaran.

Ang ibang senaryo ay kung matatalo ang UST sa NU at magwagi bukas ang FEU sa DLSU na magreresulta ng pagtatabla sa 9-5 record ng Tigresses at Lady Tamaraws na siyang maghaharap sa playoff para pag-agawan ang third spot habang ang Lady Spikers ay mananatili sa second spot hawak ang semis bonus.

Sa men’s division, tatapusin ng DLSU Green Spikers (4-9) ang kanilang elimination round assignment sa pagharap sa nangulelat na University of the Philippines Fighting Maroons (1-12) sa alas-8 ng umaga at maglalaban din ang UST Growling Tigers (4-9) at UE Red Warriors (2-11) sa alas-10 ng umaga.

vuukle comment

UST TIGRESSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with