^

PM Sports

Rondina at Laure nasa unahan ng UAAP MVP race

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang University of Santo Tomas spikers ang bumabandera sa MVP race ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Nasa unahan ng listahan sina wing spiker Sisi Ron­dina at rookie opposite hitter Eya Laure na siyang nanguna upang dalhin ang Tigresses sa No. 3 spot mula sa hawak na 9-3 marka.

Okupado ni Rondina ang unang puwesto sa sco­ring department matapos makalikom ng kabuuang 238 points na nakuha niya mula sa 210 spikes, 15 blocks at 13 aces.

Nasa ikalawa si Rondina sa spiking tangan ang 33.28 efficiency rating, habang ikaanim siya sa digging matapos magtala ng 4.10 average digs per set.

Sumesegunda naman si Laure sa scoring bunsod ng kanyang 184 attacks, 18 blocks at 15 aces para sa kabuuang 217 points at hawak ang unang puwesto sa attacks mula sa 36.22 success rating niya.

Kabilang din sa Top 6 sa scoring sina Diana Mae Carlos ng University of the Philippines, rookie Princess Anne Roble ng National University, Kat Tolentino ng Ateneo de Manila University at Judith Abil ng University of the East.

Nakakuha si Carlos ng 197 points (175 attacks, 14 blocks at 8 aces, habang naglista si Robles ng 176 points (144 attacks, 26 aces at 6 blocks).

Parehong may 172 points sina Tolentino (136 attacks, 25 blocks at 11 aces) at Abil (152 attacks, 15 aces at 5 blocks).

Maliban kina Laure at Robles, kandidato rin sa UAAP Ro­okie of the Year award sina Ivy Lacsina ng NU at Jolina Dela Cruz ng La Salle.

RONDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with