San Juan, Davao Occ. unahan sa 2-1
MANILA, Philippines — Matapos makatabla sa Game Two ay pipilitin naman ng Davao Occidental na mailista ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-five national finals series ng San Juan sa MPBL Datu Cup.
Paglalabanan ng Tigers at Knights ang naturang kalamangan sa pagtutuos nila sa Game Three ngayong alas-7 ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Hangad ng San Juan na maduplika ang kanilang paghahari noong 2000 sa Metropolitan Basketball Association, ang sinundan ng MPBL.
Sa kanilang kabiguan sa Game Two ay mas-yadong naapektuhan ang laro ng Knights sa ipinalasap na 2-3 zone defense ng Tigers.
Sa nasabing pagka-talo ay nalimitahan ng Davao Occidental sina ex-pros Mac Cardona at John Wilson na may pinagsamang 12 points sa panig ng San Juan.
Isang dating sco-ring champion sa PBA, nagsalpak si Cardona ng mahinang 3-for-15 fieldgoal shooting samantalang may 2-of-10 clip naman si Wilson.
Bumandera naman para sa Tigers si Billy Robles na umiskor ng 17 points, habang inilista ni Mark Yee ang kanyang ika-20 double-double para pantayan ang mga nagawa nina Harold Arboleda at Jhaymo Eguilos.
Tumapos si Yee na may 16 points, 10 rebounds at 4 blocks.
“Confident ako na makakaisa kami sa San Juan,” sabi ni Robles. “Ang importante, naipanalo namin ‘yung Game 2 and tumaas ‘yung kumpiyansa namin ahead of Game 3.”
Determinado ang Davao Occidental na maibalik sa kanilang balwarte ang Game Five para makuha ang homecourt advantage sa serye laban sa San Juan.
- Latest