San Juan at Davao Occidental magtutuos sa National Finals
MANILA, Philippines — Nilimitahan ng San Juan ang Manila sa dalawang fieldgoals sa third period patungo sa kanilang 85-74 panalo sa Game Three at pagharian ang MPBL Datu Cup Northern Division Finals kamakalawa ng gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Matibay na depensa ang naging puhunan ng Knights para patahimikin sina Stars scorers Riel Cervantes at Chris Bitoon.
Walang naiskor si Cervantes, habang may 3-of-9 fieldgoal shooting si Bitoon para sa kabiguan ng Manila.
Kumamada naman si Orlan Wamar ng 19 points para sa panalo ng Knights, lalabanan ang Davao Occidental Tigers para sa best-of-five National Finals.
Nagdagdag si Mac Cardona ng 18 markers.
Sa Almendras Gym sa Davao City, giniba ng Tigers ang inaugural staging champion na Batangas City Athletics, 66-51, para pagharian ang Southern Division.
- Latest