^

PM Sports

Win No. 14 asam ng Blaze Spikers

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Target ng Petron Blaze Spikers ang pang-14th na panalo sa pagharap kontra sa United Volleyball Club habang muling maglalaro si Jaja Santiago sa Foton Tornadoes laban sa F2 Logistics ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Kung magwawagi ang Petron (13-0) kontra sa United VC (6-6) sa alas-6 ng hapon ay malampa-san nila ang rekord na 13 straight wins na kanila ring naitala sa All-Filipino conference noong 2015 gayundin noong 2018.

“Our goal is to win the title. Not just to sweep the conference. I’m proud of my team, getting here is not easy. But our job is not yet done. We still have a bigger goal in mind, which is to win the Grand Prix title,” sabi ni Petron coach Shaq Delos Santos.

Muli ring maglalaro ang dating MVP na si Maria Jose Perez ng Venezuela para sa F2 Logistics sa pagharap sa Foton sa alas-4 ng hapon.

Ang 6’5 na si Santiago ay nakabalik na sa bansa pagkatapos ng kanyang kontrata sa V. Premier League sa Japan kaya handa na siyang tulungan ang Tornadoes na umangat mula sa 10 sunod na talo.

“Yes, she will play against F2 Logistics on Saturday. She already trained with us and she’s looking good. I hope her arrival will spark our campaign this conference,” sabi ni Foton team manager Diane Santiago.

Ngunit makakaharap naman ni Santiago ng Foton ang nagbabalik na si 2017 Grand Prix MVP na si Perez na ngayon ay kasama na ang dati niyang karibal at dati ring MVP na si Lindsay Stalzer sa Cargo Movers.

“She’s definitely a great addition to the team. We’re glad to have her back. They played with each other before so I don’t think chemistry will be a major problem,” ayon kay F2 Logistics coach Ramil de Jesus ukol sa pagsasama nina Stalzer at Perez na dati ring teammates sa Jakarta Elektrik sa Indonesia Pro League noong 2017.

 

BLAZE SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with