Chot naniniwala kay Guiao at sa Gilas
MANILA, Philippines — Tiwala si dating head coach Chot Reyes sa tsansa nina mentor Yeng Guiao at Gilas Pilipinas sa paparating na 2019 FIBA World Cup sa China ngayong Agosto.
Ito ay sa kabila ng pagkakahulog ng Gilas sa mahirap na Group D kasama ang world No.4 na Serbia, No. 13 na Italy at No. 39 na Angola sa world quadrennial basketball spectacle na nakatakda mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan, China.
“To be honest, I’m very optimistic about our chances,” ani Reyes na pinarangalan kamakalawa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa kanyang kontribusyon sa national team.
“I think Angola is beatable the way we were able to defeat Senegal before. Italy will be tough but I think may chance tayo dyan. Serbia admittedly will be very very tough. Parang Croatia naman yan dati sa atin. But then ‘yung Croatia we took them to overtime. ‘Di mo talaga masasabi eh.”
Ang Serbia lang ang natatanging top-10 team ngayon na ka-grupo ng Gilas kumpara sa tatlo noong 2014 sa katauhan ng Croatia, Argentina at Greece na pare-parehong pinahirapan ng Gilas, ayon kay Reyes.
- Latest