^

PM Sports

Generika-Ayala patuloy ang ratsada

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang mainit na ratsada ng Generika-Ayala nang patumbahin nito ang Sta. Lucia Realty, 25-20, 25-20, 21-25, 25-18 upang manatiling buhay ang tsansa nito sa twice-to-beat incentive sa quarterfinals ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naikonekta ng Lifesavers ang ikatlong sunod na panalo para sumulong sa 4-7 rekord.

Muling nakakuha ng lakas ang Generika-Aya-la kay Thai import Kanjana Kuthaisong na nagpakawala ng kaliwa’t kanang atake kabilang ang game-winning off-the-block hit.

Nakalikom si Kuthaisong ng 23 attacks at isang ace habang naasahan din ito sa floor defense matapos magtala ng ilang digs at receptions.

Nagbigay ng matikas na suporta sina team captain Angeli Araneta at wing spiker Fiola Ceballos para makuha ng Lifesavers ang importanteng tagumpay.

Hawak na sana ng Lifesavers ang momentum sa third set nang kunin nito ang 10-8 bentahe.

Ilang errors ang nagawa ng Generika-Ayala na siya namang sinamantala ng Lady Realtors nang magbaon ng matatalim na attacks sina imports Casey Schoenlein at Molly Lohman kasama si local ace Pam Lastimosa para maagaw ang bentahe (24-20) at maipuwersa ang fourth set.

Subalit hindi na nagpabaya ang Lifesavers sa ikaapat na kanto nang pamunuan ni Kuthaisong ang mainit na ratsada na sinabayan ng solidong blocks at aces mula kina Araneta at Ceballos para tuluyang tuldukan ang paghahabol ng Lady Realtors.

Kailangan ng Lifesavers na maipanalo ang kanilang susunod na tatlong laro upang makahirit ng twice-to-beat card sa quarterfinals.

GENERIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with