^

PM Sports

Anak ni Ron Artest gustong lumaro sa Gilas

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Anak ni Ron Artest gustong lumaro sa Gilas

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagdami ng Filipino-American bal-lers na nais ibandila ang Pilipinas sa international competitions.

At pinakabago na ngayon ang rising teen star na si Jeron Artest na ikararangal aniyang maging manlalaro ng Gilas Pilipinas ayon sa ama nitong si Metta World Peace.

Kilala sa orihinal na pangalang Ron Artest, sinabi ng dating NBA player na pangarap na mairepresenta ang Pilipinas pagdating ng panahon.

“My son is so proud to be Filipino. He really wants to play for the Filipino national team one day. He’s extremely, extremely excited to be here,” ani Artest sa si-mula ng coaches’ convention ng Chooks-to-go SM NBTC National Finals kamakalawa.

Magsisilbing speaker ang 39-anyos na si World Peace sa mga coaches hanggang sa Linggo at inaasahang magiging isa din sa coaches ng NBTC All Star game ngayon kung saan kasama ang kanyang 17-anyos na anak na si Jeron.

Subalit higit doon, sinuportahan ni World Peace ang kanyang anak na naglaro para sa Fil-Am USA.

Nagtala si Jeron ng 14 puntos, pitong rebounds at tatlong assists para sa Fil-Am USA na yumukod sa San Beda Red Cubs, 91-98 sa quarterfinals ng pinakamalaking high school tournament sa bansa kung saan kasali din ang Top USA recruit at FIBA U-17 World Cup MVP na si Jalen Green at Filipino giant sensation Kai Sotto.

Ayon pa sa 2010 NBA champion na si World Peace, bukod sa basketball ay nais din ni Jeron na maging inspirasyon sa mga kabataan pagdating sa edukasyon lalo’t isa siya sa top academic students sa USA ngayon at marami nang nag-aalok ng collegiate scholarship.

RON ARTEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with