SMB-Alab, Formosa muling magtatagpo
MANILA, Philippines — Muling pagtatagpo ang solo leader na San Miguel-Alab Pilipinas at pumapangalawang Formosa Dreamers ngayon sa pagpapatuloy ng 9th Asean Basketball League (ABL) sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa City, Laguna.
Ito na ang pang-apat na pagtatagpo ng top two teams sa home-and-away league kung saan tangan ng Dreamers ang 2-1 bentahe sa nakalipas na tatlong beses nilang paghaharap sa season na ito.
Asam ng nagdedepensang Alab Pilipinas na bumawi laban sa Taiwanese team sa kanilang paghaharap sa alas-8 ng gabi.
Inilampaso ng tropa ni coach Jimmy Alapag ang Dreamers sa unang paghaharap, 86-72 sa Sta. Rosa, Laguna noong Disyembre 21 ngunit bumawi ang Chinese team, 73-72 noong Enero 13 sa Chang Hua, Taiwan at sinundan ng 79-71 panalo sa kanila pa ring teritoryo noong Marso 10.
Samantala, sa patuloy na pagkawala ng tatlong key players dahil sa injury, nakalasap ang San Miguel-Alab Pilipinas sa kanilang unang back-to-back na pagkatalo matapos yumuko sa Macau Black Bears, 114-84 noong Biyernes ng gabi sa Foshan International Sports and Cultural Center, Macau, China.
Dahil sa talo, tabla na ang Alab Pilipinas at Macau Black Bears, 2-2 sa apat na pagtatagpo sa taong ito. Tinalo ng tropa ni coach Alapag ang Black Bears, 106-99, noong Ene-ro 18 sa The Arena na sinundan ng 101-96 panalo noong Marso 8 sa parehong venue.
Natalo rin ang Alab Pilipinas sa Chinese team, 103-116 sa ikatlong paghaharap sa University of Macau gym noong Pebrero 27. Bumaba na ang road games record ng Fi-lipino team sa 6-6 ngunit nanatili ang malinis na 12-0 sa home court.
Hindi pa rin naka-laro si Renaldo Balkman (concussion), Lawrence Domingo (knee) at Brandon Rosser (knee).
- Latest