Special PhilHealth benefits para sa mga athletes
MANILA, Philippines — Sa paniniwalang may mga espesyal na pangangailangan ang mga atletang may injury na nakukuha nila sa pagsasanay o pakikipaglaban sa kanilang sports, sinabi ni 1-PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero na hihilingin niya sa PhilHealth na magkaroon ng benefits package para sa mga retired athletes at active athletes.
“Kokonsultahin ko ang PhilHealth upang makahanap kami ng paraan,” ani Romero, isa sa may akda ng Universal Health Care Law.
Ayon sa congressman, may kakaibang pangangailangan ang mga atleta dahil nagagawa nila ang mga bagay na hindi nagagawa ng marami.
“Athletes’ bodies undergo more stress and strain, both physically and mentally. This is why they have special needs and more so when they retire,” paliwanag ni Romero.
“We will coordinate with PhilHealth, the Philippine Sports Commission, Department of Education, and Commission on Higher Education on rolling out the registration and benefits awareness drive for athletes, especially those in the provinces,” sabi pa ng sportsman-solon.
- Latest