^

PM Sports

Uste sinakmal ang UP

Chris Co - Pang-masa
Uste sinakmal ang UP
Hinatawan ni Milena Alessandrini ng UST Tigresses sina Marriane Sotomil at Aeishalaine Gannaban ng UP Maroons.
P.M. Photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Sinakmal ng University of Santo Tomas ang 21-25, 25-22, 25-16, 25-20 panalo laban sa University of the Philippines upang sumosyo sa No. 2 spot sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Mabangis si Filipino-Italian Milena Alessandrini nang humataw ito ng 22 puntos na nabuo buhat sa 19 attacks at tatlong blocks kalakip ang 15 digs at 10 receptions para banderahan ang Tigresses sa pagmartsa sa 2-1 marka.

Hindi rin nagpahuli si rookie Eya Laure na bumira naman ng 18 puntos gayundin si Sisi Rondina na nagtarak naman ng 15 attacks at dalawang aces upang tulungan ang kanilang tropa na dungisan ang rekord ng Lady Maroons. Lamang ang Tigresses sa attacks (51-42), blocks (11-10) at aces (8-3) sa larong umabot ng isang oras at 46 minuto.

“Medyo slow start kami pero sabi ko lang na mag-focus lang kami sa kung ano ang dapat gawin. Huwag kami tumingin sa mga ginagawa ng kalaban,” wika ni Tigresses head coach Kungfu Reyes.

Nahulog ang Lady Maroons sa parehong 2-1 marka para maiwan sa unahan ng standings ang nagdedepensang De La Salle University na may malinis na 2-0 baraha.

Maganda naman ang ipinamalas ni reserve playmaker Marianne Sotomil na nakagawa ng 32 excellent sets para makalikom ng 20 puntos si Diana Mae Carlos at 13 hits si Isa Molde.

Sa ikalawang laro, naitakas ng Ateneo de Manila University ang 14-25, 19-25, 25-21, 25-18, 15-12 come-from-behind win laban sa last season’s runner-up Far Eastern University upang sumosyo sa UST at UP sa ikalawang puwesto hawak ang kaparehong 2-1 baraha. Gumulong ang Lady Tamaraws sa 1-2 marka.

Sa men’s division, pinabagsak ng FEU ang Ateneo, 20-25, 25-22, 25-22, 20-25, 16-14 para manatiling malinis ang baraha nito (3-0) habang namayani naman ang UST sa UP, 26-24, 25-27, 25-23, 25-13 tungo sa 2-1 marka.

May 1-2 na ang Ateneo samantalang wala pang panalo ang UP sa tatlong laro.

USTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with