^

PM Sports

SMB-Alab wagi kahit isa lang ang import

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit wala ang 7’3 import na si PJ Ramos dahil sa one-game suspension, nagpasiklab naman ang nagdedepensang San Miguel-Alab Pilipinas sa three-point area upang tambakan ang Zhuhai Wolf Warriors, 108-81 sa  9th ASEAN Basketball League noong Linggo ng gabi sa Sta. Rosa City Sports Complex.

Umani ang Fil-Am na si Caelan Tiongson ng apat na triples sa ikalawang yugto para umpisahan ang break-away ng Filipino team tungo sa kanilang pang-15th overall sa 18 laro at manatiling malinis (11-0) sa home court.

Ito na ang ika-apat na panalo ng tropa ni head coach Jimmy Alapag kontra sa baguhang koponan mula sa China. Pinataob din ng Alab Pilipinas ang Wolf Warriors, 105-79 sa teritoryo ng kalaban mismo noong Biyernes kasunod sa kanilang 100-81 panalo noong Pebrero 29 sa parehong venue at 105-95 noong Enero 6 sa Lapu Lapu City, Cebu.

Sa matikas na shooting kabilang na ang 11-of-31 sa three-point zone, uma-bot sa pinakamalaking 34 puntos, 79-45  ang kalamangan ng tropa ni Alapag sa jumper ni Lawrence Domingo, mahigit 5:37 pa ang natitira sa third period.

Hindi nakalaro ang Puerto Rican na si Ramos bunga ng one-game suspension matapos makamit ang kanyang pang-limang technical foul sa elimination round sa kanilang  laro laban sa Zhuhai Wolf Warriors noong Biyernes.

Tumapos si Tiongson ng 14 puntos, pitong rebounds, isang assist at dalawang blocks habang si Renaldo Balkman ay umani ng 20 puntos, anim na rebounds, siyam na assists, isang assist at tatlong blocks.

SMB-ALAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with