^

PM Sports

Team Pilipinas patungo sa Doha

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Team Pilipinas patungo sa Doha
Si national coach Yeng Guiao sa isang huddle ng Team Pilipinas laban sa Meralco Bolts kahapon.

Para labanan ang mga Qataris sa Asian Qualifiers

MANILA, Philippines – Magtutungo nga­yong umaga ang Team Pi­lipinas sa Doha, Qatar para sa huling bahagi ng kanilang paghahanda sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa pangunguna ni head coach Yeng Guiao, bibiyahe rin sa Middle East ang 13 sa kanyang 14-man pool na sina five-time PBA MVP June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, John Paul Erram, Troy Ro­sa­rio, Gabe Norwood, Mar­cio Lassiter, Roger Po­­goy, Mark Barroca, Scottie Thompson Paul Lee at Jayson Castro.

Kasama rin sa trip ang top collegiate player at national team cadet na si Thirdy Ravena mula sa Ateneo bilang pinakaba­tang manlalaro ng Natio­nals.

Sa Doha na rin sasa­lubungin ng Team Pilipinas ang pagbabalik ng naturalized player na si Andray Blatche na bu­mi­yahe na rin mula sa Chi­na.

Noong Lunes ay bu­malik ang 32-anyos na si Blatche sa koponan ng Tianjin Gold Lions para sa kampanya sa Chinese Basketball Association (CBA).

Sa pagbabalik ni Blatche ay umaasa si Guiao na lalapit sila sa ka­ilangang 90 percent na kahandaan na sapat na upang talunin ang Qatar at Kazakhstan sa Pebrero 21 at 24, ayon sa pagka­ka­sunod.

“Siguro nasa 80 percent na kami. We can’t really be 100 percent dahil kulang talaga sa preparasyon,” ani Guiao.

“So by the time we play, we should be around close to 90 something. I think that’s okay. That will be enough for us to win games,” dagdag pa nito.

Bago naman umalis pa­tungong Qatar ay nagpakita muna ang Team Pilipinas ng bahag­ya sa to­dong kahandaan ma­tapos tambakan ang Me­­ralco, 100-82, sa ka­nilang tune-up match kahapon ng umaga sa Meralco Gym sa Ortigas sa Pasig Ci­ty.

At dito bumilib si Guiao.

“At least even without Andray, we’ve seen that the guys are blending well. We played good defense today. We’re ho­ping we can still improve our defense and be able to translate or apply the things that we’ve practiced in the window, game against Qatar and Kazakhstan,” aniya.

“Were’ happy with the effort of the guys. Everybody is serious about the preparation. Ang tingin ko ready na lahat at this point.”

Pagdating sa Doha ay magpapahinga muna ang tropa bago sumalang sa twice-a-day training sa su­sunod na araw para sa inaabangang laban kontra sa Qatar sa Pebrero 21.

Kailangang maipana­lo ng Nationals ang laban kontra sa Qatar gayundin ang laro sa Kazakhstan upang makapasok sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China sa Agosto.

Tatlong koponan lamang ang pa­pa­sok sa na­turang quadrennial bas­ketball event at sa nga­yon hawak ng Team Pilipinas ang 5-5 baraha at nasa ika­­apat na puwesto ng Group F sa likod ng Australia (9-1), Iran (7-3) at Ja­pan (6-4).

 

TEAM PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with