Pang-6 sunod na panalo asam ng SMB-Alab
MANILA, Philippines — Hangad ng nagdedepensang San Miguel-Alab Pilipinas na muling palawakin sa anim ang winning streak sa paghaharap ngayon kontra sa Saigon Heat sa pagpapatuloy ng 9th ASEAN Basketball League (ABL) sa Lapu Lapu Sports Complex sa Lapu Lapu City, Cebu.
Inaasahang muling magpapasiklab sina Puerto Rican imports Renaldo Balkman at PJ Ramos sa kanilang unang pagtatagpo laban sa quarterfinalist sa nakaraang taon na Vietnamese team sa alas-7 ng gabi.
Tangan ng nangungunang Alab Pilipinas ang best record 11-2 win-loss kartada habang ang Saigon Heat ay hindi naman malayo sa ikatlong puwesto sa kanilang 10-6 slate.
Ito ang unang pagtatagpo ng dalawang koponan kung saan itataya rin ng tropa ni coach Jimmy Alapag ang kanilang mataas na 9-0 home win record habang ang Saigon Heat ay 3-4 sa road game kaya paborito ang Pinoy team na magwagi dahil na rin sa 5-game winning streak, ang huli ay sa Wolf Warriors ng China, 100-81 noong Martes.
Ang Saigon Heat naman ay galing sa dala-wang sunod na talo, ang una ay sa Singapore Slingers, 80-87 noong Enero 27 at ang ikalawa sa Hong Kong Eastern, 88-95 noong Biyernes lang.
Kaya gusto rin ng Canadian coach na si Kyle Julius na bumangon muli para patatagin ang tiwala ng buong koponan sa pa-ngunguna ng mga Amerikanong imports na sina Trevon Hughes at Kyle Barone at Canadian import Murphy Burnatowski.
Tapos na ang mabibigat na schedules ng Alab Pilipinas at natalo ng dalawa sa 9-game schedule.
- Latest