^

PM Sports

Philippine Athletics Championships at 14th SEA Youth Games kasado na

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magdaraos ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ng 2-in-1 athletics events sa darating na Marso bilang paghahanda para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin dito sa bansa sa dulo ng taon.

Sa ikatlong sunod na pagkakataon, gagawin ng PATAFA ang taunang Phiippine Athletics Championships (PAC) national open sa Ilagan City sa Marso 6-8 kung saan masusubok ang kilatis ng national tracksters bago sila sumalang sa SEA GAMES na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 dito sa Pilipinas.

Sa Ilagan City din muling gaganapin ang 14th SEA Youth Games na nai-host na rin ng PATAFA noong 2017.

“This year will be a very big year because of the SEA Games so the timing of the PAC along with our hosting of the SEA Youth Games is perfect,” ani PATAFA President Philip Ella Juico sa ginanap na media launch kahapon sa Pasig City.

Kabuuang 38 events kabilang ang dalawang mixed gender relays ang idaraos sa SEA Youth Games habang 44 events naman ang sa national open kung saan higit 1, 000 local at foreign athletes ang inaasahang sasali.

Subalit hindi lamang SEA countries ang sasali sa national open bilang paghahanda nila sa SEA Games kundi gayundin ang ibang Asian countries tulad ng United Arab Emirates (UAE), Jordan, Hong Kong, Sri Lanka,  India at Mongolia bilang preparasyon nila sa Asian Athletics Championships sa Abril.

Gigiyahan ang Philippine national athletics team ng mga pambatong sina Anthony Beram at Eric Cray na dedepensahan ang kanilang mga titulo sa SEA Games sa 200m at 100m run, ayon sa pagkakasunod.

 Sa unang pagkakataon ay nakatakda ring sumali si Mary Joy Tabal sa 10, 000 kilometer run bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagdepensa rin sa kanyang gintong medalya sa marathon noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinigurado naman ng host city Ilagan na handa na ang siyudad sa isa na namang malaking athletics hosting sa pagdagdag ng mga accommodation at pagpapaganda ng venues ayon kay councilor Josemarie ‘Jay’ Diaz.  

PHILIPPINE ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with