^

PM Sports

Stalzer babalik sa PSL para sa F2 Logistics

Chris Co - Pang-masa
Stalzer babalik sa PSL para sa F2 Logistics
Lindsay Stalzer

MANILA, Philippines — Magbabalik sa Pilipinas si reigning Philippine Superliga Grand Prix Most Valuable Player Lindsay Stalzer.

Ngunit hindi na nito makakasama ang Petron Blaze Spikers sa kampanya dahil nagtawid-bakod na naman ito – sa pagkakataong ito sa da-ting Grand Prix champion na F2 Logistics.

Excited na si Stalzer na muling tumuntong sa Pilipinas dahil sa magagandang memoryang naiwan nito sa bansa.

“I’m super pleased to announce that I’ll be returning to the land of 7,000+ islands next month! A.k.a. the Philippines, my second home,” wika ni Stalzer.

Tinulungan ni Stalzer ang Petron na mabawi ang Grand Prix title noong nakaraang taon nang talunin ng Blaze Spikers ang Cargo Mo-vers sa finals.

Subalit sa pagkakataong ito, masisilayan si Stalzer suot ang yellow jersey.

“My last time suiting up for this team I had an incredible experience at the World Club Championships in 2016. Now I’ll be playing for F2 Logistics in the PSL Grand Prix this spring. Looking forward to wearing a yellow jersey once again,” ani Stalzer.

Ito ang ikaanim na pagkakataon na lalaro si Stalzer sa Pilipinas.

Una itong naging import ng Cignal noong 2014 bago naging bahagi ng Foton Tornadoes noong 2015 at 2016.

Kinuha ito ng Petron noong 2017 at 2018 bago lumipat sa F2 Logistics sa season na ito.

Bahagi din si Stalzer ng PSL Selection na sumabak sa prestihiyosong FIVB Women’s Club World Championship sa Manila.

Kasalukuyang nag-lalaro si Stalzer sa Indonesia Women’s Proliga sa Jakarta kung saan bahagi ito ng Jakarta BNI46.

Matapos ang torneo sa Jakarta, agad na tutulak si Stalzer sa Maynila para makasama ang Cargo Movers.

vuukle comment

LINDSAY STALZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with