^

PM Sports

Cagers determinadong makasulong

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbabalik ang MPBL Datu Cup  ngayon para sa unang laro ng Bagong Taon kung saan magsasagupa ang host team Muntinlupa at Pasay sa main game sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Taglay ng Angelis Resort-backed Cagers ang 10-5 win-loss card para sa solo second sa southern division ng torneong itinatag nina Senator Manny Pacquiao kasama si PBA legend at dating PBA MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Haharapin nila ang dumadausdos na Voyagers team na lumasap ng apat na sunod na talo at kasalukuyang nasa 11th spot taglay ang 6-12 win-loss record sa kanilang alas-9:00 ng gabing sagupaan.

Matapos mabalasa ang roster, kabilang ang controversial na pagpapalit sa coaching staff na bumago sa kapalaran ng koponan, ang Cagers ay determinadong sumulong at ipagpatuloy ang kanilang kampanya na umangat sa standings.

Ang 80-74 panalo kontra sa Imus Bandera sa kanilang huling laro noong 2018 ang inaasahang magandang simula para sa Cagers.

Sasagupain naman ng bumabangon na Quezon City, ang mahinang Pasig sa unang laro sa alas-7 ng gabi.

Ang Capitals na suportado ng Black Mamba Ener-gy Drink ay nanalo sa kanilang huling tatlong laro para umangat sa 6-8 win loss-record.

Haharapin nila ang Pirates team na nagtataglay ng pinakamababang 2-14 record at natalo ng limang sunod.

Maganda ang inilalaro ng Quezon City gamit ang kanilang small ball combination ngunit kaila-ngan nilang dagdagan ang effort laban sa Pasig team na nangangailangang manalo sa kanilang huling nalalabing laro para makakuha ng quarterfinals berth sa northern division.

CAGERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with