^

PM Sports

De Jesus doble kayod sa susunod na taon

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Doble kayod ang gagawin ni multi-titled mentor Ramil De Jesus sa susunod na taon dahil pagsasabayin nitong hawakan ang De La Salle University sa UAAP Season 81 at ang F2 Logistics sa Philippine Superliga Grand Prix.

Parehong magsisimula ang UAAP at PSL sa Pebrero kaya’t ngayong pa lang gumagawa na si De Jesus ng plano kung paano nito hahatiin ang kanyang oras.

Magiging madali naman ito kay De Jesus dahil karamihan ng kanyang manlalaro sa F2 Logistics ay galing o kasalukuyang naglalaro sa La Salle.

“Medyo mabigat ito dahil first time kong hahawakan ang team na sabay. May pressure sa UAAP, may pressure rin sa PSL so medyo mahirap,” wika ni De Jesus, dinala ang Cargo Movers sa tatlong kampeo-nato sa PSL habang may 11 titulo ito sa UAAP.

Nais ng F2 Logistics na mabawi ang korona sa Grand Prix matapos itong mabigong maipagtanggol noong nakaraang taon.

Nagsilbi lamang consultant si De Jesus sa 2018 Grand Prix kung saan hinawakan ni Arnold Laniog ang head coaching duties.

Sa kabila ng matitikas na imports sa ngalan nina Venezuelan Maria Jose Perez at American Kennedy Bryan, bigo si Laniog na madala ang Cargo Movers sa kampeonato nang yumuko ang kaniyang tropa sa Petron na pinamunuan nina American outside hitters Lindsay Stalzer at Katherine Bell.

Sumentro ang atensiyon ni De Jesus sa La Salle sa UAAP Season 80 na naging matagumpay naman matapos makopo ng Lady Spikers ang three-peat.

Problemado pa si De Jesus sa kaniyang magiging lineup sa UAAP season dahil injured ang ilan sa kaniyang manlalaro.

DE JESUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with