^

PM Sports

May bagong record ang Houston

Pang-masa
May bagong record ang Houston
Lusot sa mg Washington defenders ang drive ni James Harden ng Houston.

HOUSTON -- Nagpaulan ng three-point shots ang Rockets para magposte ng bagong NBA record.

Nagpasabog si James Harden ng 35 points at nagtala ang Rockets ng NBA record na 26 triples para gibain ang bisitang Washington Wizards, 136-118.

Ang tres ni Gary Clark ang nagtabla sa Houston sa nasabing record sa 2:42 minuto ng fourth quarter.

Ang dating NBA record na 25 triples ay ipinoste ng Cleveland Ca-valiers kontra sa Atlanta Hawks noong March 3, 2017.

Kumonekta si Harden ng anim na tres kasunod ang lima ni Chris Paul at tig-apat nina Gerald Green at Eric Gordon.

Sa Salt Lake City, umiskor si Joe Ingles ng 20 points at kumolekta si center Rudy Gobert ng 17 points at 15 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz sa 108-103 panalo laban sa bisitang Golden State Warriors.

Nagdagdag si Jae Crowder ng 18 points kasunod ang 15 markers ni Donovan Mitchell mula sa malamya niyang 5-of-26 fieldgoal shooting para sa Utah.

Ito ang ikaapat na sunod na home win ng Jazz.

Pinangunahan naman ni Stephen Curry ang Warriors sa kanyang 32 points kasunod ang 30 markers ni Kevin Durant.

Ito pa lamang ang ikalawang kabiguan ng Golden State sa huli nilang walong laban.

Sa Toronto, isinalpak ni guard Fred Van-Vleet ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 25 segundo para ilusot ang Raptors laban sa Indiana Pacers, 99-96.

Bumalikwas ang Toronto mula sa 17-point deficit para balikan ang Indiana.

Naglista si Kawhi Leonard ng 28 points, habang nagdagdag ng 17 at 16 markers sina Pascal Siakam at Greg Monroe, ayon sa pagkakasunod, para pigilan ng Toronto ang kanilang two-game losing skid.

Sa Boston, humataw si guard Devin Booker ng 25 points at 8 assists, samantalang nagtala si Deandre Ayton ng 23 points at 18 rebounds para akayin ang Phoenix Suns sa 111-103 pagdaig sa Celtics.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Suns matapos ang 4-24 pa-nimula sa season.

Nag-ambag si T.J. Warren ng 21 points kasunod ang 13 markers ni Kelly Oubre Jr. para sa Phoenix.

Pinamunuan ni Kyrie Irving ang Boston mula sa kanyang 29 points.

vuukle comment

HOUSTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with