^

PM Sports

Fronda at Frayna sumosyo sa 11th spot sa Asian Continental

Francisco Cagape - Pang-masa
Fronda at Frayna sumosyo sa 11th spot sa Asian Continental
Si Pinay IM Jan Jodilyn Fronda sa isang torneo.

MANILA, Philippines – Nagwagi si Woman IM Jan Jodilyn Fronda la­ban kay WGM Hoang Thi Bao Tram ng Vietnam at tumabla rin si WGM Janelle Mae Frayna kay WFM Dita Ka­renza ng Indonesia upang umangat sa 11th spot sa 7th Asian Conti­nental Chess Championship (2nd Manny Pac­quiao Cup) noong Lu­nes ng gabi sa Tiara Hotel sa Makati City.

Hindi nagpatinag ang 24-anyos na si Fronda sa mataas na rating ni Hoang, ang reyna sa nakalipas na Vietnam Indi­vidual championship no­ong Abril, at ipinakita ni­ya ang katatagan para makisosyo sa 10-player logjam sa 11th place sa 4.5 points.

Kasama ni Fronda si Frayna, ang highest ra­ted player ng bansa, sa grupo at may pagkaka­taon pa silang umakyat sa Top 10 sa huling round ng nasabing nine-round tour­nament.

Kahit man natalo si Fronda kay 13th seed WGM Nguyen Thi Thanh An sa seventh round ay agad bumawi ang 2139 rated Pinay chesser.

Makakaharap ni Fron­da si IM Guo Qi ng Chi­na sa huling laban, habang magtatagpo naman si Frayna at WGM Nguyen Thi Thanh An ng Vietnam sa ninth round na ginaganap pa habang sinusulat ito.

Nanatili pa rin sa li­derato ng women’s division si IM Ruot Padmini ng India matapos tumabla kay IM Pham Le Thao Nguyen ng Vietnam pa­ra umangat sa 6.5 points at pumapangalawa rin si WGM Gong Qianyun ng Singapore na may 6 points.

Tinalo ni Qianyun si WGM Wang Jue ng Chi­na sa 8th round.

Sa men’s division, ti­nalo ni IM Paulo Bersamina ang kababayang si John Merill Jacutina upang makisosyo sa 14-player logjam sa 17th spot kasama sina GM John Paul Gomez at IM Ricky de Guzman sa parehong 4.5 points.

Tumabla si Gomez kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran, habang si De Guzman ay na­kakuha rin ng draw laban kay IM Xu Yi ng China.

 

 

vuukle comment

ASIAN CONTINENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with