19th Philtobo Grand Championship naging matagumpay
MANILA, Philippines — Unang nilargahan kahapon sa 19th Philtobo Grand Championship ang no bearing race na “Juvenile Fillies Championship” kung saan tinalo ng tambalang Fever Act at jockey JAA Guce ang Mona’s Mark na nirendahan naman ni jockey JB Hernandez.
Nanalo naman sa unang karerang nilargahan ang Pride of Laguna na matagumpay na napangalagaan ang unbeaten run nang magkampeon sa “3rd Leg 3YO Open Challenge Race”.
Alalay pa sa pagdadala si jockey Jonathan Juco sa Pride of Laguna kung saan naging madali lang para sa nasabing tambalan na makuha ang panalo kahit na sa mahabang 2,000 metro ang pinaglabanang distansya.
Nanalo naman ang liyamadong kalahok na Helushka sa Race 2, habang liyamadong kalahok din ang nanalo sa Race 3 dahil sa panalo ng tambalang Sande at jockey JB Bacaycay.
Segunda liyamado ang nanalo sa naganap na “2018 SC Stockfarm 2yo Stakes Race” sa Race 4 kung saan nanalo ang Royal Bell laban sa nasegundong Toy For The Bigboy.
Nagwagi naman sa Race 5 ang Silip sa bentahan na Gentleman Jim na nirendahan ni jockey JB Hernandez kung saan tinalo ng kabayo ang segunda liyamadong kabayo na Señor Lucas na sinakyan naman ni jockey FM Raquel.
Nanalo rin sa naganap na “2018 Philracom Chairman’s Cup” ang Super Sonic na sinakyan ni jockey Jessi Guce kung saan naiuwi ng tambalan ang paunang premyong P1,200,000 milyon.
Patuloy naman na tatakbo ang Race 7 hanggang sa huling karera na Race 12 sa pista ng Sta. Ana Saddle and Clubs sa Bayan ng Naic, Cavite pero inabot na ito ng cut-off.
- Latest