Vietnam naghari sa AFF Suzuki Cup
HANOI -- Ang maagang goal ni Nguyen Anh Duc ang naging sandigan ng Vietnam para talunin ang Malaysia, 1-0, at angkinin ang korona ng AFF Suzuki Cup sa ikalawang pagkakataon sa larong idinaos sa My Dinh National Stadium.
Nauna nang naisuko ng Vietnamese ang two-goal lead na sinamantala ng mga Malaysians para sa 2-2 draw sa first leg sa Kuala Lumpur noong nakaraang Martes.
Ngunit umiskor si Anh Duc sa unang anim na minuto ng first half na siyang naging final score.
Naging mabisa naman ang depensa ni goalkeeper Dang Van Lam sa mga pagtatangka ng Malaysia patungo sa pagsikwat sa ASEAN regional title sa unang pagkakataon matapos noong 2008.
Muntik nang maitabla ni Mohamadou Sumareh ang Malaysia sa pang-11 minuto mula sa kanyang back-heel na hindi pumasok sa net.
Nagkaroon naman ng tsansa si Do Hung Dung na maibigay sa host team ang 2-0 bentahe, ngunit nabigong makaiskor sa ika-33 minuto.
Ang Vietnam ang sumibak sa Philippine Azkals, 2-1, sa second leg.
Nabigo ang Azkals na maduplika ang kanilang “Miracle of Hanoi” noong 2010.
- Latest