^

PM Sports

Nanatili si Doroy sa Top 10 sa Asian Continental

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag­ra­gasa ng 17-anyos na si Wo­man FIDE Master Allaney Jia Doroy matapos makipag-draw kay Wo­man IM Dewi Ardhiano Anastasia Citra ng Indonesia sa fifth round ng women’s division ng 7th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup) noong Biyernes ng ga­bi sa Tiara Hotel sa Ma­kati City.

Sa kanyang draw la­ban sa No. 18 na si Citra, may 2215 rating, ay nanatili ang tubong Agu­san del Sur sa Top 10.

Ang NU standout na si Doroy ay nakakuha ng tatlong puntos para ma­kisosyo sa anim sa 10th spot sa likuran ng na­ngungunang si IM Ruot Padmin ng India na tangan ang 4.5 puntos kasunod si Woman GM Gong Qianyun ng China na may 4 puntos.

Pito pang women pla­yers ang nagtabla mu­la sa ikatlo hanggang pang-siyam na puwesto sa parehong 3.5 puntos kabilang na si IM Pham Le Thao Nguyen ng Viet­nam.

Lalong lumakas ang tiwala ni Doroy na ha­wak ang mas mababang 1972 rating sa pag­­harap niya kay 16th seed  WIM Gu Tianlu ng China sa sixth round kagabi.

Ang ibang panalo ni Doroy ay mula kina Olympiad veteran WIM Catherine Secopito (2145) at No. 2 seed  IM Gulishkan Nakhba­yeva ng Kazakhstan (2371), samantalang tumabla naman si­ya kina Citra (2215) at WFM LI Yunshan ng China (2196).

 

vuukle comment

ASIAN CONTINENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with