^

PM Sports

Caidic nagpaulan ng 46 na tres

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Edad lang ang nagbago kay Allan ‘The Triggerman’ Caidic subalit hindi ang kanyang natatanging galing sa three points.

‘Yan ang muling pinatunayan ng 55-anyos na  dating manlalaro nang magbuslo ito ng 46 na tres tungo sa pambihirang 142 kabuuang puntos sa isang exhibition game sa Candon, Ilocos Sur kamakalawa.

Lagpas kalahati ito sa 183 puntos na naitala ng Philippine Basketball Association (PBA) Greats na koponan kontra sa 73 na puntos ng koponan ng mga Alkalde at Bise-Alkalde sa Ilocos Sur.

Mula sa 46 na tres niya, 37 ang kanyang pinakawalan sa fourth quarter upang maitala ang marahil ay pinakamaraming tres sa isang laro ng kahit sinong manlalaro sa buong mundo.

Ayon kay Caidic, nagkataon lang daw ito dahil binuyo siya ng mga kakamping sina EJ Feighl, Gerry Esplana, Jerry Codiñera at Pido Jarencio na tumira lamang nang tumira upang makapagtala ng kasaysayan.

Hindi naman ito nakakagulat sa University of the East standout dahil siya rin ang may hawak ng pinakamaraming tres na naitala sa isang laro sa kasaysayan ng PBA.

Noong 1991, naglista si Caidic ng 17 tres tungo sa 79 puntos upang buhatin sa 162-149 na tagum-pay ang Presto Tivoli kontra sa Ginebra.

Ang 17 na tres at 79 puntos na iyon ay nananatiling pinakamalaki sa kasaysayan ng pinakamatandang propesyunal na liga sa Asya simula nang maitayo ito noong 1975.

Magugunitang noong 2010 din, bagama’t retirado na ay nagpasiklab din sa 14 tres tungo sa 54 puntos upang mapabilib ang NBA legend na si Glenn Rice sa ginanap na NBA Asia Challenge.

Bahagi ng 25 PBA Greatest Players, ang San Miguel Beer legend na si Caidic ang matagal nang may hawak ng pinakamaraming tres sa kasaysayan sa naitalang 1,242 simula nang mapili bilang 1st overall pick noong 1987 PBA Rookie Draft. 

CAIDIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with