^

PM Sports

Giyera sa katipunan

Francisco Cagape - Pang-masa
Giyera sa katipunan
Muling babanderahan ni Thirdy Ravena ang Ateneo Blue Eagles.

Blue Eagles, Fighting Maroons sisimulan ang title series

MANILA, Philippines — Target ng Ateneo Blue Eagles ang pang-10 titulo, habang asam na­man ng University of the Philippines Fighting Ma­roons ang ikalawang korona sa kanilang best-of-three championship se­ries na tinaguriang “Battle of Katipunan” sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dahil sa malaking agwat sa kanilang match-up sa nakalipas na 15 taon kung saan nagwagi ang UP ng tatlong beses sa 30 paghaharap ay paborito ang Blue Eagles laban sa Fighting Maroons sa Game One ngayong alas-3:30 ng hapon.

Sa kanilang dalawang beses na pagtatagpo sa eliminasyon ay winalis ng Blue Eagles ang Figh­ting Maroons, ang una ay 87-79 sa first round noong Sept. 12 at sinundan ng 83-66 sa second round noong Oktubre 14.

Inaasahang magba­bago ang laro kung mauulit ng Fighting Maroons ang kanilang pagpapatalsik sa No. 2 Adamson Soaring Falcons sa ka­nilang semis battle.

Kapwa inamin nina coa­ches Tab Baldwin ng Ateneo at Bo Perasol ng UP ang kahalagahan ng Game One upang maiba­ba sa ‘twice-to-beat’ na lamang ang natitirang bahagi ng serye.

“Make no mistake about it, we are going for the title. Wala sa isip na­min ‘yung malakas si­la or mahina kami na we’re happy na where we are now. No, we will be there to compete, we are going to be there to win it. I don’t know what the results would be, but we will be there with the intention of winning,” sabi ni Perasol.

Tinutukoy ni Perasol ang kanilang laban sa se­mifinals kung saan 0-2 din sila sa Adamson ka­ya dahil doon ay mas lalong lumakas ang loob ng Fighting Maroons.

“We’re slowly lear­ning about ourselves. Pa­rang if you truly believe with what you can do, parang you’ll be amazed at how better you are than what you seek for yourself. You are better than how you see yourself,” dagdag ni Perasol.

Bukod sa pagpasok sa Final Four sa unang pagkakataon simula noong 1997 ay nasa kanilang unang UAAP Fi­nals stint din ang UP sapul no­ong 1986.

Malaki ring bahagi ng Fighting Maroons ang pagsungkit ni Nigerian big man Bright Akhuetie sa unang UAAP MVP tro­phy ng Fighting Maroons sapul noong 1969.

Matapos na­mang pumasok sa UAAP Finals sa ika-14 beses, malakas ang ti­wala ng Ateneo na masusungkit ang ika­­apat na back-to-back championship crown sa liga.

 

GIYERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with