^

PM Sports

Eagles finals na

Francisco Cagape - Pang-masa
Eagles finals na
Si Kouame Kakou ng Ateneo laban kay Prince Orizu ng FEU.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang nag-depensa at top seed na Ateneo de Manila University Blue Eagles matapos tambakan ang fourth seed Far Eastern University Tamaraws, 80-61 kahapon para angkinin ang unang Finals slot ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Agad nagparamdam ang Blue Eagles sa kanilang 8-0 run tampok ang dalawang two-hand dunk ni Thirdy Ravena na lumawak pa sa 17-9 bentahe pagkatapos ng unang yugto na lumobo sa 14 puntos, 38-24 sa first half.

Umabot pa sa pinakamalaking 31 puntos ang agwat, 59-28 mula sa triple ni Ravena mahigit 2:53 minuto ang natitira sa ikatlong yugto.

Mula doon ay mistulang namamasyal na lang sa parke ang Blue Eagles tungo sa kanilang ikalawang sunod na Finals appearance.

Tumapos si Thirdy Ravena ng 22 puntos kabilang na ang tatlong triples, pitong rebounds, apat na assists at dalawang steals habang ang Ivorian na si Angelo Kouame ay tumulong ng 18 puntos at 11 rebounds, isang steal at apat na blocks para sa Katipunan-based team.

“We have learned our lessons in the past so this time, we wanted to start strong ang finish strong. We have to make sure that they (FEU) will not have the momentum so we focused on defense,” sabi ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Sa kanilang mahigpit na depensa sa buong laro, walang player ng Tamaraws na tumapos ng double digits dahil nalimitahan si top shooter Arvin Tolentino sa limang puntos lamang at pitong puntos lang din ang nagawa ni Prince Orizu.

Maghihintay pa ang tropa ni coach Tab Baldwin ng kanilang makakaharap sa best-of-three championship showdown dahil pag-aagawan pa ng second seed Adamson Soaring Falcons at University of the Philippines Fighting Maroons ang ikalawang Finals berth sa Miyerkules.

Naipuwersa ng Fighting Maroons ang do-or-die battle matapos maka-eskapo ng 73-71 panalo sa opening game ng semis noong Sabado.

Tangan ng Soaring Falcons ang twice-to-beat bentahe bilang second seed pagkatapos sa elimination round kaya dalawang beses sila kailangang talunin ng UP Maroons.

ATENEO 80 – Ravena 22, Kouame 18, Verano 7, Nieto Ma 6, Go 6, Nieto Mi 5, Belangel 4, Mamu-yac 3, Asistio 3, Mendoza 3, Black 2, Tio 1, Wong 0, Navarro 0, Daves 0, Andrade 0.

FEU 61 – Ebona 9, Orizu 7, Ramirez 7, Gonzales 6, Inigo 5, Tolentino 5, Stockton 5, Tuffin 4, Parker 4, Escoto 4, Comboy 3, Cani 2, Bienes 0, Bayquin 0, Jopia 0, Nunag 0.

Quarterscores: 17-9, 38-24, 59-36, 80-61.

UAAP BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with