^

PM Sports

200 PWD athletes sasabak ngayon

Francisco Cagape - Pang-masa

Cagayan De Oro City, Philippines — Mahigit 200 diferently-abled athletes ang sasabak sa pagbubukas ng ikatlo at final leg ng 2018 Differently-Abled Sports 4 LIFE Paragames sa Xavier University–Ateneo de Cagayan Sports Complex dito.

Sinabi ni Philippine Sports Commissioner at Program-in-charge Arnold Agustin na inaasahan niyang maraming atleta ang madidiskubre sa pamamagitan ng programa para makasali sa national team at magkaroon ng pagkakataon na kumatawan ng bansa sa iba’t ibang international competitions.

“Our athletes in the national team na sumali sa nakaraang 2018 Asian Para Games ay tumatanda na rin kaya kailangan natin ng mga baguhan para maisama sa training pool,” sabi ni Agustin kahapon sa press conference sa Seda Centrio Hotel.

Ang mga potential national athletes ay magtatagisan sa dalawang araw na kumpetisyon sa anim na sports kabilang ang goal ball, bocce, table tennis, badminton, swimming at athletics.

“If the success of athletes without disabilities is inspiring, mas lalo na ang tagumpay ng mga atletang may disabilities. It would be more inspiring,” ayon kay CDO Mayor Oscar Moreno.

Matagumpay na idinaos ang first leg sa Tanauan City, Batangas noong Hulyo 17-18 at ang second leg sa Davao City noong Hulyo 27.

Ayon pa kay Agustin, simula sa susunod na taon ay mas marami pang events ang isasama at magdaraos din ang PSC ng karagdagang seminars para sa mga coaches at technical officials bilang bahagi sa preparasyon ng bansa sa 2019 ASEAN Para Games na gaganapin dito sa Pilipinas at sa 2020 Paralympics Games sa Tokyo, Japan.

ARNOLD AGUSTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with