Tagumpay ni Yulo kinilala ng PSC
MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairman William Ramirez ang tagumpay ni artistic gymnast Carlos Edriel Yulo na kumopo ng bronze medal bilang kauna-unahang medal hindi lamang para sa Pinas sa 48th World Artistic Gymnastics Championships sa Aspire Dome sa Doha, Qatar.
Ang 18-gulang na si Yulo ay umani ng 14.600 points para makuha ang bronze medal sa men’s floor exercise finals noong November 2, para hindi lamang maging unang Filipino na medalist sa naturang kompetisyon kungdi maging una ring Southeast Asian athlete na nag-podium finish sa naturang torneo.
“We at the PSC are more than happy for the historic achievement Yulo has done for the country,” sabi ni Ramirez.
Sa pamamagitan ng Board Resolution No. 1138-2018, binigyan ng PSC Board si Yulo at ang Gymnastics Association of the Philippines ng P1.2 million financial at airfare assistances para sa naturang kompetisyon noong October 19 hanggang November 4.
“Caloy has been a one of our consistent athletes that is why the PSC has been very supportive of his efforts,” dagdag pa ni Ramirez. “He has proven to be a good investment of the people’s money given the achievements he continues to bring home.”
Ang Russian na si Artur Dalaloyan ang kumopo ng gold medal sa kanyang 14.900 points habang si Japanese Kenzo Shirai ang naka-silver sa kanyang 14.866.
- Latest