^

PM Sports

Blakely nakatikim ng masaklap na pagkatalo sa dati niyang team

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — “It’s bittersweet.”

Iyan ang mga katagang namutawi mula sa bibig ni Marqus Blakely ng Talk’ N Text matapos ang emosyonal na 103-116 kabiguan kontra sa dati niyang koponan na Magnolia kamakalawa ng gabi sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Ayon kay Blakely, matamis dahil nakita niyang muli ang mga dating kasamahan nang una siyang maglaro sa PBA at itinuring na bilang pamilya buhat noon.  Ngunit mapait din aniya ito dahil sa lahat ng koponan ay sa dating koponan pa niya siya natalo.

“You don’t like losing to anybody, but you also don’t like losing to the team you played for,” anang 30-anyos na beteranong import na nagtala ng triple double na 17 puntos, 18 rebounds at 11 assists. “But it is what it is. When you play basketball, it’s different. Before the game, we’ll be cool. But when the ball goes up, we’re enemies.”

Magugunitang unang naglaro si Blakely para sa Bmeg Llamados (ngayon ay Magnolia) noong 2012 sa ilalim nang ngayon ay Barangay Ginebra head coach na si Tim Cone kasama sina Mark Barroca, Ian Sangalang, Rafi Reavis, Marc Pingris, James Yap at PJ Simon.

Buhat noon ay nagsilbi ng resident import si Blakely para sa Purefoods franchise hanggang sa makakuha sila ng apat na sunod na kampeonato na kinatampukan ng pambihirang grandslam noong 2014.

BLAKELY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with