^

PM Sports

Ibinigay lahat ni Tagle ngunit...

Pang-masa

BUENOS AIRES - Nabigo si archer Nicole Tagle na makakolekta ng medalya kagaya nina golfers Yuka Saso at Carl Janno Corpus sa pagtatapos ng kampanya ng Team Philippines sa 2018 Youth Olympic Games dito.

Kinuha ni Tagle, ang 2017 Southeast Asian Games silver medalist, ang 4-2 abante matapos ang tatlong sets, 4-2 bago inagaw ni Alyssia Tromans-Ansell ng Great Britain ang unahan patungo sa kanyang 6-4 panalo papasok sa quarterfinals.

“I did my best and gave everything I had,’’ wika ni Tagle sa kanyang pagkakasibak sa round-of-16 sa Parque Sarmiento archery range.

Pumalo naman sina Corpus at Saso ng eight-over 148 sa final day at nabigong makapasok sa medal race matapos ang tatlong rounds sa mixed team event sa Hurlingham Club.

Nasa kontensyon pa ang tambalan nina Saso at Corpus noong opening day sa itinalang four-under ngunit kumulapso sa sumunod na 18 holes sa kanilang five-over kaya sila iniwanan nina Atthaya Thitikul at Vanchai Luangnitikul ng Thailand at ang United States duo nina Lucy Li at Akshay Bhatia.

Sina Thitikul at Luangnitikul ang nagbulsa ng gold medal habang nakuntento sina Li at Bhatia sa silver.

Tumapos ang Team Philippines sa ika-69 posis-yon mula sa kabuuang 206 bansang lumahok sa quadrennial event na nagtampok sa pagsikwat ni Fil-Norwegian kiteboarder Christian Tio ng silver medal.

“For me, this is a huge success for Team Philippines. We almost had two medals here,’’ wika ni PH chief of mission Jonne Go.

Sa kanyang pagiging CDM sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling nakapag-uwi ng medalya si Go mula sa Youth Olympics na nagtatampok sa mga pinakamahuhusay na under-18 athletes sa buong mundo na sumabak sa 32 sports events.

Si archer Gab Moreno ang nagbigay sa bansa ng unang gold medal sa YOG matapos maghari sa mixed international event katambal si Li Jiaman ng China noong 2014 sa Nanjing, China.

Ang Russia ang bumandera sa medal tally sa hinakot na 24 gold, 15 silver at 9 bronze medals dalawang araw bago ang closing ceremony. Pumapangalawa ang China sa kanilang 16-7-9 tally kasunod ang Japan (13-7-12) at Hungary (12-6-4).

YOUTH OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with