Nowitzki ‘di pa makakalaro
DALLAS — Hindi magagawa ni veteran big man Dirk Nowitzki ang debut para sa kanyang record na pang-21 season sa Mavericks sa season opener.
Sinabi ni coach Rick Carlisle na ilang linggong hindi makakalaro ang 40-anyos na si Nowitzki dahil sa pagrekober mula sa kanyang operasyon sa left ankle noong Abril.
Bubuksan ng Mavericks ang regular season laban sa Suns sa Miyerkules sa Phoenix. Ayon kay Nowitzki, may nararamdaman pa rin siyang sakit sa kanyang left ankle isang linggo bago magbukas ang kanilang training camp. Hindi rin nakita ang 13-time All-Star sa preseason.
Ang naturang surgery bago magtapos ang nakaraang season ay para alisin ang bone spurs sa left ankle ng German player.
Samantala, naniniwala naman si Carlisle na ma-laki ang maitutulong ni teenage sensation Luka Doncic sa kanilang kampanya.
“We were a team last year that dribbled too much,” ani Carlisle sa Slovenian rookie. “Luka certainly helps that because he’s a guy that can play with or without the ball. And so we’re going to enter a new sort of paradigm with our team on this.”
Hinirang si Doncic bilang Euroleague MVP at ti-nulungan ang Real Madrid na makakuha ng European League championship.
Sa Miami, pumayag si reserve guard Justise Winslow, ang No. 10 overall pick noong 2015 NBA Draft, sa alok na $39 million, three-year extension ng Heat.
- Latest