^

PM Sports

Nayre tuluyan nang nasibak sa 2018 YOG

Pang-masa

BUENOS AIRES - Hindi nakaporma si table tennis bet Jann Mari Nayre ng Team Philippines laban sa No. 1 player sa under-18 sa buong mundo.

Tuluyan nang yumukod si Nayre kay 2016 Rio de Janeiro Olympian Kanak Jha ng United States, 13-11, 11-8, 15-13, 11-8, sa 2018 Youth Olympic Games kahapon sa Table Tennis Arena of the Technopolis dito.

Bagama’t nawalis ni Jha ay hindi naman basta-basta sumuko ang 18-anyos na si Nayre sa final match ng Pinoy pride sa Group B ng men’s singles preliminaries.

“Maganda ang nilaro ko kanina pero talagang magaling ang kalaban,’’ sabi ni Nayre, ang kauna-una­hang Filipino table netter na nag-qualify sa Youth Olympics, sa kanyang pagharap kay Jha sa Group B ng men’s singles preliminaries.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ni Nayre matapos manaig sa kanyang opening game laban kay No. 27 Nicolas Burgos ng Chile.

Nabigo ang tubong Baybay, Leyte na makapasok sa round of 16.

Matapos talunin si Burgos sa four sets ay yumu­kod naman si Nayre kay Maciej Kolodziejczyk ng Austria via four sets noong Linggo.

“Crucial talaga ang laban ko against Austria. This is a learning experience para sa akin,’’ ani Nay­re, nakapasok sa quarterfinals ng Southeast Asian Games noong 2017 sa Kuala Lumpur at sa round of 32 sa katatapos na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Si Korean coach Kwon Mi Sook, naging mentor ng namayapang si Ian Lariba noong 2016 Rio De Janeiro Games, ang tumulong kay Nayre na ma­kapaglaro sa YOG.

Ayon kay Chef De Mission at Philippine Olympic Committee auditor Jonne Go, gumastos si Mi Sook para sa training ni Nayre.

Samantala, nakapasok si Filipino-Norwegian Christian Tio sa top six mula sa 12 entries sa first round ng kiteboarding competitions.

Tumapos naman sa No. 6 si swimmer Nicole Oli­va sa heats ng women’s 100-meter freestyle event sa kanyang bilis na 57.33 segundo.

Sasalang ngayon si Oliva, nakabase sa Sta. Cla­ra, California, sa heats ng 800m freestyle.

Samantala, sisimulan naman nina golfers Yuka Sa­so, ang double-gold medal winner sa 2018 Asian Games, at Carl Jano Corpus at fencer Lawrence Everett Tan ang kanilang mga kampanya.

JANN MARI NAYRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with