^

PM Sports

Draw din kay Dasmariñas

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nakita sa ibabaw ng boxing ring ang tinaguriang ‘Gloves on Fire’ ni Filipino world bantamweight champion Michael Dasmariñas.

Kaya naman ang resulta nito ay split draw kay challenger Manyo Plange ng Ghana noong Sabado ng gabi sa Marina Bay Sands sa Singapore.

Napanatiling suot ng 26-anyos na si Dasmariñas (28-2-1, 19 knockouts) ang kanyang International Boxing Organization bantamweight crown sa kabila ng mga atake ng 30-anyos na si Plange (17-0-1).

Nakamit ni Dasmariñas ang IBO belt matapos magposte ng fourth-round TKO victory laban kay Karim Guerfi ng France noong Abril 20 sa Singapore.

Tatlong linggong naghanda ang tubong Pili, Camarines Sur sa Japan para sa kanyang unang pagdedepensa ng titulo kay Plange.

Ngunit nabalewala ito dahil sa pagiging agresibo ng Ghana challenger sa kabuuan ng laban.

Noong Sabado ay nauwi rin sa split draw ang ikaanim na pagtatanggol ni Ancajas sa kanyang bitbit na International Boxing Federation super flyweight title kontra kay Mexican challenger Alejandro Santiago sa Oakland, California.

Matiyagang hinintay ni Dasmariñas na magbukas ng depensa si Plange bukod pa sa paghahanap ng kanyang pamatay na kombinasyon ngunit hindi ito dumating.

MICHAEL DASMARIñAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with