Sangalang 3-years pa sa Magnolia
MANILA, Philippines — Nasuklian ang sipag at tiyaga ni Ian Sangalang nang biyayaan ng Magnolia ng tatlong taon na contract extension.
Pinirmahan ng 6’7 na big man ang panibagong kontrata kamakalawa bago ang 92-76 panalo ng Hotshots kontra sa Rain or Shine sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum kung saan nagrehistro si Sangalang ng 13 puntos at anim na rebounds.
Hindi pa naidetalye kung ano ang halaga ng nasabing kontrata.
Isa si Sangalang sa natitirang manlalaro na bahagi ng makasaysa-yang grandslam cham-pions ng Magnolia (da-ting San Mig Coffee) noong 2013 nang siya ay rookie pa lamang.
Napili ng Purefoods franchise ang San Sebastian College-Recoletos standout na si Sangalang bilang second overall pick noong 2013 PBA Rookie Draft sa likod lamang ng top pick na si Greg Slaughter ng Ginebra.
Makakasama niya sa misyong iyon ang core ng Magnolia na sina Paul Lee, Justin Melton, Jio Jalalon, Mark Barroca at mga beteranong sina Marc Pingris at PJ Simon.
May 3-1 kartada ngayon ang Hotshots para sa ikaapat na puwesto sa season-ending conference at hahangad ng fourth win kontra sa kapatid na San Miguel sa Linggo.
Kasama si Sangalang sa Gilas Pilipinas na sumabak sa fourth window ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers.
- Latest