PSA Cup hahataw ngayon
MANILA, Philippines — Hahataw ngayon ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Golf Cup na handog ng Manila Southwoods, San Miguel Beer at Philippine Sports Commission sa Legends course sa Carmona, Cavite.
Sina dating PSA president Lito Tacujan ng The Star at Ernie Gonzales ng Inquirer, Jerome Delariarte ng Southwoods at ang kasalukuyang presidente ng PSA na si Dodo Catacutan ng Spin.ph ang magsasagawa ng ceremonial drives kasama ang iba pang panauhin sa alas-7 ng umaga para simulan ang 18-hole tournament na idaraos para makalikom ng pondo para sa mga medical projects ng PSA para sa mga members.
Ang shotgun style tee-off ay alas-7:30 ng umaga.
Ang major sponsors ng event na ito ay ang PLDT/Smart, Philippine Basketball Association sa ilalim ni Commissioner Willie Marcial, the Philippine Olympic Committee at Meralco habang ang Philippine Airlines ay magbibigay ng round-trip ticket sa London o United States bilang hole-in-one prize sa No. 16 ng Jack Nicklaus-designed course.
Ang iba pang sponsor ay ang ICTSI, Hermie Esguerra, Alaska, Ciara Marie Abalos Foundation, Sunrise Events Inc., National Golf Association of the Philippines, Lovell Gopez of Mizuno, SM Prime Holdings, Cosco Oben Group of Companies at iba pa.
- Latest