^

PM Sports

Chooks To Go-NCAA Player of The Week

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa follow-up shot ni Prince Eze sa huling segundo ng laro ay nakaeskapo ang University of Per­petual Help Altas laban sa Lyceum, 83-81, no­ong Biyer­nes upang idiskaril ang asam na sweep ng Pirates sa 94th NCAA basketball tournament.

Tabla ang score sa 81-81, ngunit nagmintis si Altas teammate Tonton Peralta mula sa three-point zone, mabuti na lang nandoon ang Nigerian import para sa kanyang buzzer-beater putback at masungkit ang kanilang pang-pitong panalo sa 12 laro.

Dahil sa kanyang kabayanihan ay napili si Eze bilang Chooks-to-Go NCAA Press Corps Player of the Week.

“I know it’s possible. I know it’s possible,” si­gaw ni Eze pagkatapos ng nasabing laban.

Tumapos si Eze na may 25 points, 23 rebounds at 2 blocks para mapanatiling buhay ang pag-asa ng Altas na makapasok sa Final Four.

“Big game by Eze of course. He has MVP stats again,” sabi ni Perpetual Help coach Frankie Lim.

Sinabi pa ni Lim na ang kanilang depensa na pi­nangunahan ni Eze ang malaking dahilan sa ma­laking panalo kung saan nilimitahan nila ang da­ting walang talo na Pi­rates sa 13 puntos sa ika­apat na yugto.

“They really deli­vered at ang sabi ko nga sa pre-game ko, I want to see u guys on attack mode. And that’s what exactly happened,” wi­ka pa ni Lim.

Naungusan ni Eze pa­ra sa lingguhang individual honor sina teammate Edgar Charcos, Jus­tin Gu­tang ng St. Be­nilde, Robert Bolick ng San Beda at Bong Quinto ng Letran.

PRINCE EZE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with