^

PM Sports

Mayweather muling tatalunin si Pacquiao, sabi ni JM Marquez

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatapat na ni Me­xican boxing legend Juan Manuel Marquez si­na boxing superstars Man­­ny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

At sa pinaplantsang re­­match nina Pacquiao at Mayweather ay may opin­yon ang 45-anyos na si Marquez.

“Just like the first one but I think it would be easier (this time) for Floyd,” sabi ni Marquez, nagretiro nang may 56-7-1 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 40 knockouts, sa panayam ng isang Mexican televi­sion.

Tinalo ni Maywea­ther (50-0-0, 27 KOs) si Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) via unanimous decision sa kanilang mega showdown noong Mayo ng 2015.

“Mayweather knows what Manny already does. He would handle the distance and lateral movement easier this time. He would be de­fen­sive again and there would be little risk in the fight for him (Mayweather),” ani Marquez.

Nagtagpo sina Pacquiao at Mayweather sa isang music festival sa Tokyo, Japan at napag-usa­pan nila ang isang re­match.

Wala pang nangya­yaring opisyal na negosasyon sa pagitan ng 39-anyos na si Pacquiao at ng 41-anyos na si May­­weather.

Bago ang rematch kay Pacquiao ay ba­lak ni Mayweather na su­mabak sa isang tune-up fight sa Tokyo bago ma­tapos ang taon.

Apat na beses nag­la­ban sina Pacquiao at Marquez, ang huli ay nang patulugin ng Mexican boxing great si ‘Pacman’ sa huling segundo ng sixth round noong Dis­yembre 8, 2012.

Natalo naman si Mar­­quez kay Maywea­ther via una­nimous decision no­ong Setyembre 19, 2009.

JUAN MANUEL MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with