Lakambini Stakes Race lalarga ngayong hapon
MANILA, Philippines — Mamaya magaganap ang 2018 Philracom “Lakambini Stakes Race” na lalahukan ng limang magagaling na babaeng kabayo na pawang mga tatlong taon gulang.
Sa distansyang 1,600 metro maglalaban-laban ang limang kalahok na magaganap sa San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.
May kabuuang premyo na P1.5 milyon at ang mananalo ay magkakaroon ng P900,000 at tropeo para sa masuwerteng may-ari ng kabayo.
Lamang sa mga kalahok ang kabayong Ava’s Dream na rerendahan ni jockey Jpa Guce, habang mabigat naman nitong makakalaban ang Disyembreasais na rerendahan naman ni jockey Jordan Cordova.
Una dito sa nasabing karera ay may magaganap din na Charity Race para sa Philippine Red Cross at sa distansyang 1,600m din maglalaban laban ang limang nakarehistrong kabayo.
Patok sa nasabing karera ang kabayo ni Hermie Esguerra na Metamorphosis dahil angkop ang distansya sa kalidad ng kabayo na gamay na gamay ng hinete nitong si jockey Fernando Raquel.
Nakalalamang din sa Race 8 ang kabayong Wonderland ni Esguerra dahil angkop rin ang distansyang 1,600m sa istilo ng pagtakbo ng nasabing kabayo.
Sunud-sunod naman ang panalo ng kabayong Pride of Laguna na tatakbo sa ika-10 karera at rerendahan pa rin ni jockey Jonathan Juco.
- Latest