^

PM Sports

Pinay Spikers sasabak sa asian women’s volley cup

Chris Co - Pang-masa
Pinay Spikers sasabak sa asian women’s volley cup
Pamumunuan nina Alyssa Valdez at Aby Maraño ang Team Philippines sa 2018 Asian Women’s Volleyball Cup.

MANILA, Philippines — Handa na ang Philippine women’s national team na makipagsaba­yan sa matitikas na Asian teams sa pagsisi­mula ng prestihiyosong 2018 Asian Wo­men’s Volleyball Cup ngayong araw sa Ko­rat Chatchai Hall sa Na­khon Ratchasima, Thailand.

Unang mapapalaban ang Pilipinas kontra sa Australia sa alas-5 ng hapon (Manila time).

Pasok sa Pool C ang Pilipinas at Australia ka­sama ang Kazakhstan at Iran kung saan ang dalawang mangungunang ko­ponan ang uusad sa quarterfinals.

Sunod na makaka­sagupa ng Pilipinas ang Iran bukas sa alas-5 bago makatipan ang Kazakhstan sa Martes sa parehong oras.

Papalo para sa Pilipi­nas sina three-time UA­AP MVP Alyssa Val­dez, Cha Cruz, Aby Maraño, Maika Ortiz, Mika Re­yes, Mylene Paat, Jia Morado at Denden La­zaro na bahagi ng natio­nal team na naglaro sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Magsisilbing team captain si Maraño.

Dagdag-puwersa si­na outside hitter Grethcel Soltones at opposite spiker Aiza Maizo-Pontillas na malaking tulong para punan ang pag­­kawala ng ilang key players.

Kasama rin sina Je­ma Galanza, Risa Sato, Jasmine Nabor at Melis­sa Gohing.

Nadagdag ang anim na manlalaro dahil hin­di masisilayan sa ak­siyon sina Dindin San­tiago-Manabat at Jaja Santiago na parehong magla­laro sa kani-kaniyang clubs sa Japan, ha­bang na­sa bakasyon si­na Dawn Macandili, Majoy Baron at Kim Dy.

Injured si ace setter Kim Fajardo at manga­ngailangan ng apat na linggong pahinga.

Nasa Pool A ang host Thailand, Japan at South Korea, at na­sa Pool B ang Olympic champions at Asian Games gold medalist na China ka­sama ang Vietnam at Chinese-Taipei.

PINAY SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with