Friendly match ng Phl Azkals at Bahrain nauwi sa draw
MANILA, Philippines — Nakalusot ng isang goal ang Bahrain para makatabla sa Philippine Azkals, 1-1, sa friendly match sa Bahrain National Stadium sa Riffa City kahapon.
Nauna nang nagsalpak si Phil Younghusband ng isang penalty kick sa 49th minute ng laro matapos pabagsakin ng kanyang defender ilang minuto matapos ang halftime break.
Ang naturang goal ang pang-51 international goal ng team captain ng Azkals sa kanyang career.
Matapos ito ay naging agresibo naman ang Bahrain na makatabla hanggang mailusot ni Sayed Adnan Hussein ang kanyang goal sa 98th minute ng labanan.
Ito ang debut ng bagong Azkals’ coach na si Scott Cooper, sumalo sa iniwang trabaho ni first-choice Terry Butcher.
Ang friendly match kontra sa Bahrain ang simula ng paghahanda ng Azkals para sa bigating 2018 AFF Suzuki Cup na nakatakda sa Nobyembre at sa prestihiyosong 2019 AFC Asian Cup sa Enero.
Ang starting 11 ng Azkals ay binubuo nina Amani Aguinaldo (defender), Carlos de Murga (defender), Neil Etheridge (goalkeeper), Amin Nazari, Mike Ott (midfielder), Manny Ott (midfielder), Patrick Reichelt (midfielder), Daisuke Sato (defender), Stephan Schrock (midfielder), Luke Woodland (midfielder) at Phil Younghusband (forward).
- Latest